damdamin ko ngaun (PATULA)

+- MESSAGE TO MY CRUSH -+-

You're my crush,my secret crush
whenever you near me,
I begun to blush
Everytime you pass by,
I become shy...
And almost every minute of hour
And every hour of day and night
I think of you, when i can see you
I feel blue.
My heart's really want you...
My heart's really need you...
But,how could you love me,
If you don't even mind
What i feel for you.
Ohh, you'll never be mine!
Ohh, now i'm going crazy!
So cute woman,
GET OUT OF MY MIND!!!


Thursday, October 28, 2010

Im An Exxxx



I know that it's stupid -- and silly --

to sound as if my whole life revolved
around being somebody's ex-girlfriend.
But I can't help it...that title packs
a pretty strong punch. I am now an
official member of the "loved-and-
lost" club. And while it's a title I
don't exactly want, I have to admit
that it does say some things about me.

I am an ex.

I once loved someone who loved me
back. But he didn't want to stay... So
I had to let him go. I cried a lot. I
spent countless nights wondering what
went wrong, muffling my sobs with my
pillows so my parents wouldn't suspect
that something was amiss. I'd
reminisce about our happy times, and then
break down when I'd realize that he
was no longer mine.

I analyzed every single detail of our
breakup. I wrote long e-mails to my
closest friends. I talked endlessly
about my situation. I spent my nights
in tearful telephone conversations and
my days in daydreams where we'd end up
in each others arms again. Sometimes
he was still my angel, still my knight
in shining armor who I'd do anything
for just to have back. But sometimes,
I saw him as the devil incarnate who
broke my heart in the worst possible
way, and who deserved to be
horsewhipped at the very least.

I tried to show the world that I was
OK. That was I over him. That it was
fine just being friends. I didn't go
around with a big "X" on my forehead,
nor did I go around with puffy eyes
and a tissue box. I tried to live my
life as I knew it before I met him.
People thought that I was doing great.
They heard me laugh and they saw me
smile; I seemed happy, they said; and
I told myself that I was. But in the
solace of my room, where I tried to
organize my thoughts and sort out my
feelings, I had to admit to myself
that I wasn't truly happy. Because I
was still yearning for someone, and my
heart still ached for something that
could not be.

Surprisingly, things have gotten
better. I've changed. Somewhere along
the way, I realized that he wasn't the
only one out there for me. I also
realized that there were valid,
powerful reasons why we split up. And
I've become stronger, older, wiser.
He's changed as well -- when I look at
him, sometimes I still see the boy I
fell in love with. Sometimes I think
that he's the same person... he still
has the same goofy smile and
mischievous charm that I fell for, and
I like to believe that the rest of him
is unchanged as well. But then I take
a closer look and I realize that he
HAS changed... that I don't know him
anymore, not really... not enough to
love and care for him as I once did.

I am an ex.

I've loved and lost. I've cried tears
for the things that were and that
could have been. I've wrestled with
intense feelings of love and hate, of
jealousy, of frustration. I've
simultaneously taken down and brought
up my pride. I've tried to rebuild my
world without the person whom it used
to revolve around. I've tried to save
myself from the depths of depression
and self-pity, and when I couldn't do
that, I turned to God for help. I
don't know exactly what I gained, or
how much I lost.

Maybe someday it will be all clear to
me... then again, maybe not.

Tuesday, October 26, 2010

Etiquette sa inuman – BASAHIN AT NG MATUTO (18 and above ONLY!!!)



Mga tamang gawi at mga di dapat gawin sa inuman.

Etiquette sa inuman – BASAHIN AT NG MATUTO!!!

Sa Inuman:

1. Pag abot ng baso- 3 minutes ang pinakamatagal na pag hintay. Magbigay ng konsiderasyon sa mga ibang umiinom- sundin ang gintong kasabihan
2. Pag tapos tumagay - ibalik sa tanggero ang baso- tinaga...yan ka na, baka naman pedeng ibalik mo sa kanya. hindi ka prinsipe.
3. Ang chaser ay panawid lasa- hindi panawid uhaw. dun ka sa gripo lumaklak kung kakatapos mo lang mag gym.
4. Iwasan ang magtapon ng alak. binabayaran yan. Di ka pa nga ata nag ambag...aaksayahin mo pa..tigas ng mukha mo tlga ever..hehe..
5. Siguraduhing magaambag ka sa inuman- tigas mo naman kung makiki-inom ka ng libre- pede ka lang malibre kung nilibre ka nila o niyaya ka kahit sabi mong wala kang pera


Sa Pulutuan:

1. Una sa lahat, ang pulutan ay panawid pait, hindi panawid gutom- kumain ka sa inyo kung gutom ka. wag kang kung-fu kid! haha
2. Pag ginagamitang tinidor, huwag mong kakamayin- para kang walang pinag aralan.
3. Pagkain ng isda, hindi binabaliktad- sabi nila sa mga marino galing ang istilo na to para hindi tumaob ang barko.
4. Huwag mag reklamo kung ano ang nakahain. tandaan hindi to fiesta, inuman to.
5. Ang tinik,buto at mga parteng hindi makakain ilagay sa tabi- huwag kang baboy.6. Kung hindi ka tanggero, guitarista at birthday boy/girl- pede kang magluto at tumulong sa iba pang gawain sa inuman. hindi ka pinanganak na senyorito, kung pakiramdam mo hari ka- dun ka sa kaharian mo maginom


Asal sa Mesa:

1. Kung isa lang ang tinidor, huwag mag inarte- Koboy dapat. inuman to- hindi sosyalan,
2. Sa kuwentuhan, alam na namin na kayo ang pinaka-siga, maraming chicks, mayaman, maporma at pinaka magaling sa lahat ng bagay. Huwag mo ng ikuwento.
3. Pagbisita ka, makitawa sa mga joke nila- makihalubilo, aalukin ka nila ng ilang beses pero huwag mong abusuhin- hindi ka sanggol.
4. Huwag rin masyadong pasikat- ok lang magkuwento pag dayo ka- huwag ka lang kupal
.5. Huwag na huwag mambabara kung bisita ka. Pede lang mambara kung kupal ang binara.
6. Irespeto ang opinyon ng iba, tulad ng pagrespeto mo sayo.
7. Pag hindi na kaya- pwedeng pumas- huwag maging pasikat - kupal ang dating mo non.
8. Magpatawa ka para masaya- kung mang aasar ka sa tropa sigraduhin nakakatawa, hindi panlalait. Konsiderasyon sa bisita. Ang pagiging siga ay hindi masaya sa inuman.
9. Huwag makipag sabayan. Buraot ang alagaing lasing.10. Bigyan ng pugay ang nagpainom at may birthday - wag kang agaw eksena.11. Goodtimes lagi.


After ng Inuman:

1. Ugaliing tumulong magligpit.
2. Kung di na kaya humiga sa isang tabi
3. Kung di tumutulong magligpit - huwag makulit.
4. Huwag kalimutan magpaalam sa nag painom at mga kainuman.
5. Kung aalis sa kalagitnaan ng inuman, gawing habit ang magiwan ng pangambag.


Suka Tips:

1. Pag naduduwal na, kumuha ng matamis para may pangsabay sa bibig pag naglalaway na.
2. Huwag magyoyosi pagnasusuka na, iba ang epekto ng usok sa tyan pag nakainom.
3. Pag nakakaramdam na ng suka, tumayo agad at dumiretso sa pinakamalapit na sukahan- (banyo, inodoro.)
4. Magmumog lagi pagkatapos sumuka- kadiri bibig mo brad.
5. At kung plano pang bumalik sa mesa- siguraduhing malinis ang itsura. Para di ka itaboy.


Tanggero Tips:

1. Bilang punong naatasan sa pag pasa ng tagay, siguraduhing kumpleto ka ng gamit tulad ng: tabo ng tubig (pangbanlaw ng baso pag beer ang iniinom) pambukas, at lighter.
2. Ang obligasyon mo ay ipasa ang tagay sa lahat ng manginginom, mga nagambag - alukin ang lahat ng bisita.


Sa Mga Manginginom:

1.Pakunsuwelo sa mga nagpainom at tanggero, alalayan sila tulad ng pag replenish ng yelo, pulutan, pagbili ng pulutan at pagpapalit ng music kung walang nakaatasang dj.
2. Ipanatiling masaya ang inuman, makinig sa sasabihin ng iba kung drama, at mag saya para makalimot sa problema.


Sa Yosi:

1. Kung walang dalang yosi, ugaliing maki-usap at humingi ng maayos sa taong may dalang yosi. Huwag kang kuha-kuha sa kaha ng may kaha.
2. Kung mag yoyosi ka at ang katabi mo hindi nag yoyosi ugaliing huwag siyang bugahan sa mukha ng usok. Hindi naman makikipag-sabong yang katabi mo. Maging magalang at pataas ang buga ng usok.
3. Huwag ugaliing sabay-sabay mag yosi, para hindi tayo ma-suffocate. Kung meron nang dalawa o tatlong nag yoyosi maki-hits ka na lang para makatipid at iwas polusiyon.
4. Kapag na-ubusan ng yosi mag ambag lahat ng nag yoyosi. Kung ikaw bibili huwag kang gahaman at siguraduhing nakabalik ka na sa mesa bago ka mag yosi. Ikaw lang bumili niyan pero hindi mo pera yan!
5. Huwag maging brand conscious. Kung anong yosi ang nakalapag sa mesa wag nang mag hanap ng iba. Hindi ka artista para masunod ang gusto mo.
6. Kung marami kang yosi mamahagi sa mga kapos palad. Huwag madamot ..


NOTE: paalala, ito'y mga tips para lang sa mga edad 18 pataas,..

Monday, August 9, 2010

.. l Found myself at BORACAY (thank you version) ..


Haisxt, atlast !! naupload ko na din ‘yung mga pictures namis in Bora.. Grabeh, hindi ko talaga ma-imagined na mapapabilang ako na isa sa mga mapipiling S.0.M (Student of the Month) sa aming Organization, at ang layunin nito ay pumili ng tag isang student from high school pati sa college na nakitaan ng angkin kahusayan di lang sa pag-aaral, pati na sa kanyang ipinamalas na katangian sa lahat.

At ito ang premyo sa’min mga S.O.M, ang trip to Bora for 3 days,. Imagine that, Due of unchanging wheather, natuloy pa din kami, WE know naman na God is protecting us from our journey to Bora..

I described Bora in one word, “PARADISE” at di na kataka-takang pati mga banyaga ay naa-adik sa lugar na ito. Bukod sa White sand, beatiful views and places. Ang sa tingin ko kung bakit pa ito dinadayo ay ang mga taong nandidito na magandang makisama sa mga tulad nilang banyaga,. They feel na kahit na sa ibang silang lugar ay welcome na welcome sila,. Ang mga ngiti nga mga Pilipinong Tindera, Mangingisda, Empleyado at pati na ang mga nakatira dito ay nagbibigay kulay sa mga lugar kung kaya’t mas lalo itong tinatangkilik …

Muli nagsimula man at natapos ang aming paglalakbay sa Bora, nag-iwan naman ito sa’kin na di makakalimutang pangyayari na matunghayan at mas makilala pa ng hust0 ang lugar, na binigyan ng kulay ng mga TAONG NASA LIKOD NANG PR0GRAMANG IT0, you make our little DREAM bec0me REALITY,.
T0 THE 9 SPONSORS namely:

Se Air – we really enjoy riding in this plane and WE like t thank specially to Mr. Nick for bringing us to Bora safely. ( 1st time to ride)
Zuzuni – to all Staffs and crew, for their warming welcome t us! We really enjoy the momen with them, WE love the food mostly the Champorado,.
Nothing but H2O - for bikini’s for girl
Nami – for the unforgettable sites and view that make my breathe away, .
Boom Boom Bar – fr the live band music.
Bama Grill - for the yummie Chicken BBQ.
Mongolian Grill - to experience to make our own food (we are the one wh mix the ingredients).
The Lazy Dog – for the sweet feedback and warm welcome to us. And to Ms. Djina, hope we inspired you and thank you for praying t arrived us in Boracay peacefully, we will miss you!!
The Boracay Dragon – for teaching some techniques about SURFING, . I will never forget it.

And lastly, for the peple who behind of this, people who planned t have this kind of Event, TO Ms. Geni and Ate Trina, and behalf of WE International, who shared they time to us,even in a single word, you changed our lives and visi0ns to make our dreams be real, pinalalakas nyo lalo ang loob naming upang harapin ang mga dak0t sa aming buhay, at hindi naming kay bibiguin, umpisa ito ng magandang simulain sa amin upang maabot naming ang aming mga PANGARAP. MARAMING MARAMING SALAMAT..!!!

Friday, July 23, 2010

.. Panibagong SIMULA ...


Hindi mahirap magsulat ng bagong istorya. Basta inspired ka at alam mo yung mga detalye ng isusulat mo, walang magiging problema. The only negative thing is that you'll still be criticized with your previous writings. Mahirap makalimutan ang mga yun lalu na kung may mga naisulat kang hindi maganda. Same goes with life and relationships. Mahirap makalimutan ang mga nagawa mong mali at pilitin mu mang baguhin ang buhay mo, you still have to suffer the consequences of your actions. Ika nga, kunwari'y nakapatay ka, kahit magconfess ka at mapatawad ng Ama sa mga kasalanan mo, hinding- hindi pa rin maibabalik ang buhay na inutang mo. Kailangan mo pa ring pagbayaran ang kasalanan sa batas ng tao. Minsan, naiisip kong sana'y hindi na lang nangyari yung mga kalokohang nagawa ko. Ang pagiging mapusok, pakikipaglandian at pakikipaglokohan sa mga maling tao. Kaya lang, no regrets dapat, di ba? Marami-rami rin namang learnings sa mga nangyari. Kinailangan pa rin silang daanan para makatuntong sa kinatatayuan ngayon. Hindi ka makakarating sa isang milyon kung hindi ka dadaan sa labingtatlong libo, walong daan at siyamnapu't anim.

Kaya ano ang natutunan ko these past days?

Marami.

Ang pagkakaroon ng mga maling tao sa buhay mo ay isa sa mga preparations sa pagdating ng tamang tao. Kailangan mong maranasan ang mga maling bagay upang hindi mo na ito ulitin kapag nandiyan na si destiny. Pagdaanan mo muna dapat ang mga tasks at challenges na ibibigay sayo bago ka tanghaling big winner at maging tunay na sikat.

Kumbaga sa mga sundalo, kailngan muna ng masidhing training. Kagaya ng mga napapanood nating war movies, minsan, sa training camp pa lang ay may mga bumibigay na. Marami na ang nasusugatan. Merong mangilan-ngilan na namamatay na. Mind you, wala pa yan sa tunay na gyera. Hindi pa yan ang totoong war.

Marami na ang naggi-give-up, samantalang hindi pa ito ang pinapangarap na laban.

May mga ilan din na hindi talaga bagay maging sundalo. Nung nagsabog ng kaartehan sa mundo, sinalo nilang lahat, kaya hinding-hindi mo sila kailanman maaaring i-deploy para lumaban. Maling propesyon, maling damdamin, maling pag-iisip. Ito yung mga hindi umaangat ng pagka-private ang ranggo pagdating sa relasyon. Sila karaniwan yung lumalabas ng kampo para mamuhay na lang ng normal at kalimutan na lang ang masalimuot na baduy na larangan ng pagmamahal.

Pero paano ka nga naman sasabak sa tunay na gyera kung sa training camp pa lang eh sugatan ka na? Paano ka bibitbit ng rifle kung ni ang pagtayo ay hindi mo magawa sa dami ng iyong mga sugat? Hindi ka rin mabibigyan ng clearance lumaban sa war. Baka hanggang ROTC commandant na lang ang ibigay sayong task ng mga nakatataas.

Buti na lang at mayroong mga tinatawag na medics. Sila yung mga marunong gumamot ng sugat. Sila yung nagpapagaling sa atin. Nagpapahilom sa mga malalalim na saksak na nakuha natin habang nagsasanay tayo sa kampo. Kadalasan, sila yung gumagabay sa atin para gumaling. Little angels ba.

Ngayong handa na sa totoong war, pwede mo nang gamitin lahat ng natutunan mo sa camp. Kalimutan mo na ang mga maliliit na sugat na dulot ng mga tangang sparring partner. Time na para tunay na bakbakan.

Ito na yung moment of truth.

Kahit ilang ulit mo nang sinabi in the past, alam mong first time mo lang sasabihin ulit sa sarili mo na marahil ay siya na. Tama, siya na nga. Huwag mung pakinggan ang mga taong bumubulong sa paligid ng, "sus, narinig ko na yan".

Minsan, kailangan mong makaramdam ng mas malalim na pagbaon ng bala, para makalimutan mo ang lahat ng mabababaw na saksak sa iyong katawan. Pero iisa lang ang mas mahalaga. Habang nasasaktan ka, habang alam mong adik ka sa drama, alam mong buhay ka.

Alam mong lumalaban ka.

"This time, mas maingat ka nang maglakad para hindi makatapak ng land mines. Mas matalas na ang mga mata para hindi makabaril ng kapareha. Mas masaya kang lalaban dahil alam mong kahit saan ka magpunta, eh nandyan ang munting anghel na hindi ka iiwan, tatanggapin ka at kailanma'y hindi magiging kagaya ng mga nauna...."


ikaw, Oo ikaw, magbago ka HANGGAT hindi pa HULI ang LAHAT, TROPA ! ...

Monday, July 19, 2010

Umpisahan natin ang Hulyo na may isang malaking ngiti sa ating mga mukha.



Ang bilis-bilis talaga ng oras noh? Napansin mo ba? Parang Pasko lang kahapon, di mo akalain na Hulyo na pala. Parang hindi mo nararamdaman na bumibilis ang takbo ng araw. Kulang na kulang ang isang araw. Ang daya talaga! Ang dami kong gustong gawin na hindi makakaya ng isang araw o kahit isang gabi. Bakit kase hindi na lang pagdugtungin ang December tapos ang sunod eh Hulyo[para di ko naramdaman yung pahinga ko after graduation? Pwede ba yun ganun?




Mas matagal pa yung birthday ko kung ganun.Haha! Naalala ko this same month last year na nagmamakaawa yung isang friend ko na like na talagang magresign sa food chain na pinapasukan n’ya [ working student kase un eh!!] pero heto pa rin siya, matatag pa rin! Haha! Nagugulat rin yung iba niyang kasamahan {na umalis na} na nagtratrabaho pa rin siya dahil atat na atat na siyang umalis dun eh. December pa lang nagpasa na siya ng resignation letter pero na extend pa ng isang buwan, dalawang buwan and so on. Naunahan pa niya yung supervisor niya nung time na yun. Nagresign xia ng February last year taas nalipat yung friend ko ng ibang team. Eh di submit uli siya ng resignation. Mission failed! Haha! Tinry lang naman nya kung iipekto eh. Pagdi pa naman kase hectic yung sched namin kaya hanap hanap kunwari muna sya ng trabaho. Ayaw n’ya naman tumamblers [TAMBAY un … pinaarte lang yung salita!] kase baka makasanayan niya. Bagsak s’ya tuloy pagbu-book ng bakasyon. Buti na lang nag-eenjoy pa di sya sa trabaho {at sa sweldo}-syempre isa yung kung bakit ka nagtratrabaho.. ala na atang libre ngayon..!!.




Di ko lang alam kung hanggang kelan niya ipagpapatuloy itong trabaho {wag sisihin ang recession} pero sana tumagal pa. Hahahaha..!




Sa inyo jan na me trabaho pero tinatamad tamad, ipapamahagi ko lang tong lumang e-mail na natanggap ko mula sa isang opismate na tipong hindi tinatablan ng katams. Laging present at laging mataas ang production. Kung pwede niong gawin to sa opisina nio, i-try nio lang paminsan. Haha!






ANO ANG DAPAT GAWIN KUNG TINATAMAD KANG MAGTRABAHO ?








Sa buhay empleyado merong dalawang pagpipilian kung tinatamad kang magtrabaho.






A. Una ay umabsent.








1. Kapag umiikot na kaagad sa katawan mo ang katamaran pagkagising pa lang sa umaga ay mag-isip ka na kaagad ng palusot kung bakit ka aabsent. Paalala: dapat ay memoryado mo ang mga dahilang nagamit mo na dati (tip: gumawa ng isang logbook) ng sa gayon ay hindi ka parang sirang plakang nag-uulit lang lagi ng rason ng di pagpasok. Alalahanin na tuso din ang mga bossing.






2. Kapag nakaisip ka na ng magandang dahilan ay agad mag-text o tumawag sa bossing mo, the earlier the better. Kung ayaw mo ng madaming tanong e mag-text ka at kung nais mo namang tumawag ay siguraduhin mong magaling kang umarte kagaya ng kung ikaw ay kunwaring me sakit ay umubo ka ng paunti-unti habang kinakausap ang bossing mo.






3. Matapos mag-text/tumawag ay bumalik sa higaan at magplano ka na ng gusto mong gawin sa buong araw. Malaking posibilidad na magtutulog ka lang buong araw. Sya nga pala, kapag tumawag ang opisina sa kalagitnaan ng araw, laging tandaan ang rasong ginamit (consistent ka dapat), maaari namang i-off mo na lang ang phone mo para hindi ka maistorbo buong araw.








BABALA: Siguraduhing regular ka na sa kumpanyang pinagtratrabahuhan kung ikaw ay mag-aabsent.








B. Pangalawa ay pumasok.






Eto ang dapat gawin ng mga empleyado kapag tinatamad magtrabaho pero ayaw umabsent. Ang mga taong ito ay nuknukan ng kapal ng mukha. Ang mga sumusunod na instructions ay napakasimple pero effective. Meron ding oras na nakatakda, magsisismula ng alas ocho ng umaga at magtatapos ng alas singko ng hapon.






1. Pumasok ng sakto sa oras. Huwag kang male-late at huwag ka din namang excited masyado. 8:00






2. Pagdating mo sa opisina ay ilapag mo lang kaagad ang gamit mo sa lamesa at magtungo kaagad sa pantry. Magtimpla ng kape o kung anuman ang iniinom mo pag umaga. Habang nasa loob ay makipag-usap sa mga tao doon, patagalin mo ang usapan (tip: pag-usapan ang mga headline ngayong araw o mga nangyari kahapon sa loob ng opisina). Kung walang tao sa pantry ay mag-yaya ka ng kasama bago pa man pumasok doon. 8:00-8:30.






3. Matapos sa pantry ay magtungo na sa lamesa mo dala-dala pa din ang kape, ito ay para hindi ka antukin buong araw. Buksan ang computer. Matapos nito ay buksan ang mailbox mo. Basahin ang mga email…mapabago man o luma. Buksan lahat ng pedeng buksang att ac hments, makakabuti ito sa pagpapatagal ng oras. O kaya naman ay mag-email ka sa mga kakilala mong matagal mo ng di nakakamusta. Kapag di ka pa nakuntento ay gawing chat ang email (ito ay sa kadahilanang banned na ang halos lahat ng messengers sa mga kompanya…pati google talk di pinalagpas, mga hayop na IT yan). Pano? Mag-email ka sa kakilala mong alam mong merong ac cess sa internet sa mga oras na yon tapos antayin ang reply…wholla! Instant chat session. Sya nga pala, habang ginagawa ang mga nasa taas ay huwag makakalimot inumin ang kape..lalamig ito. 8:30-9:30Matapos ang makabuluhag paggamit ng computer ay magdala ng mga papel-papel at magtungo sa kung saan mo man nais. Mas maganda kung mukha kang aborido hawak ang mga props mo habang papaalis ng lamesa, ito ay para sabihin ng bossing mo sampu ng kasamahan mo sa trabaho na busy ka lagi. Magtungo sa ibang department na me kakilala at makipag-usap ng kung anu-ano. 9:30-10:00.






4. Tignan mo nga naman. Alas dies na! Break time na ulit! Pagkatapos mag-lamyerda sa ibang department ay magtungo ulit sa puwesto at ibaba ang mga scratch paper na props. Dalhin ang tasa sa pantry at magtimpla ulit ng panibagong kape, libre ang kape kaya magtimpla ka lang ng magtimpla. Magtungo sa labas kung ikaw ay nag-yoyosi kung di naman ay manatili sa pantry at makipag-usap ka na lang sa mga tao doon. 10:00-10:15.






5. Pagkatapos ng break ay bumalik sa lamesa at humarap sa computer (huwag ng magdala ng kape sa lamesa…tama na ang nainom mo, sisikmurain ka na sa sobrang gahaman). Tapos ka na sa mga emails mo, ngayon naman ay mag-internet ka na lang ng kung anik-anik. Pero bago mag-internet ay magbukas ka muna ng office document kahit wala kang balak gawin ang mga ito, makakatulong ang documentong ito mamya. Tapos ay mag-internet ka na. Paalala: dapat ay alerto ka sa mga tao sa paligid mo, kapag alam mong me padating pindutin ang ALT at TAB ng sabay. Ito ay para makapunta sa office document na binuksan mo kanina. Kung mabagal ang iyong reflexes ay dapat mabilis ka sa paggamit ng mouse para ma-click mo agad sa taskbar ung documentong nasabi. Kapag na-master mo na ang technique na ito ay di na mapapansin ng bossing mo na nag-iinternet ka lang sa mga oras na ito. 10:15-12:00






6. Tama na muna ang computer. Lunch break na! Alam mo na ang dapat gawin. 12:00-1:00.






7. Pagkatapos kumain ay gawin ulit ang #5. Habang gingawa ito ay maglabas ulit ng mga scratch papers na para bang me hinahanap. Tandaan na dapat seryoso ang mukha mo habang gingawa ang mga ito (tip: ikunot ang noo para makakuha ng mukhang seryoso). 1:00-3:00.






8. Break time na ulit. Ang bilis nga naman ng oras. Hala..punta na ulit sa pantry. Maaari ka na ulit mag-kape at makipag-chikahan. 3:00-3:15.






9. Bumalik sa lamesa at guluhin ito sa pamamagitan ng paglabas ng sandamakmak na mga papel. Tapos ay gawin ulit and #5. Tignan ang oras sa computer mo. Kung 4:30 na ay simulan mo ng ayusin ang ginulong lamesa. Mag-ayos ayos ka na din ng sarili. Kung kasing kapal ng adobe ang mukha mo ay magtungo ka ulit sa pantry para mag-kape (tandaan na dapat me kasama sa pantry) o kaya naman ay gawin ang #3. Matapos ang lahat ng ito ay umuwi ka na, para mo ng awa, wala ka na ngang silbi ay nangdadamay ka pa ng iba sa katamaran mo. 3:15-5:00.






BABALA: Wag mong ipapabasa ito sa bossing mo kung ayaw mong mawalan ka ng trabaho.

Sunday, July 18, 2010

Kung saan aabutin ng isip ko..

Alas nuebe na pala ng gabi, ang bilis talaga ng oras. Parang hunyo lang kahapon.. Hindi na talaga mapipigilan ang buwan lalo na’t papalapit na ang pasko..



Hay buhay!!



Ramdam na rin ng bawa’t isa ang Disyembre, ma pa bata man, o matanda, bakla’t tomboy, may ngipin o wala .. o kahit nakapustiso lang ang gamit ay dama na rin ito. Pero sa lahat ata ng tuwang tuwa kapag disyembre ay ang mga yagit na kakatok sa pintuan ng kani-kanilang mga ninong at ninang para kunin ang mga obligasyon na sinumpaan nila sa simbahan nung sila ay binyagan sa simbahan at ito ay ang “ PAMASKO” na minsan pa ay nakalagay sa pulang sobre na may drawing na dragon at may mga guhit na kung titignan ay parang artwork lang ng teacher sa kanyang mga estudyante sa loob ng prep school. At ang mga balisang balisa naman kapag araw ng buwan na ‘yon ay ang mga ninong at ninang na nagpla-plano na kung paano matatakasan ang isang buwan na pasakit sa kanilang bulsa….



Teka muna pala! But nga pala ako napunta sa ganitong topic?



Heheheh napaparanoid lang siguro ako .. ewan ko din sa sarili… Nagulat at nashock din ako na ako pala ay nakaharap sa computer at nagtitipa nang mga letra na bumubuo ng salita at kap
ag pinagsama sama mo ay makakabuo ka ng isang talata. At kapag pinagsama sama mo iyon ay makakabuo ka naman ng isang kwento, sanaysay, maikling kwento, pabula, tula, liham, dialogo, liham o kahit na quotes patok na patok sa mga cell users na walang ginawa kundi magpasa ng magpasa ng sandamakmak na quotes kahit paulit ulit…



…………”???...



Paranoid? Depress? Yun na ata ang dalawang karamdaman na pinagdadaan ko noong nakaraang buwan dahil na rin sa di inaasahan pangyayari sa buhay ko… para silang couple na dumating sa buhay ko, samahan mo pa ng anak nilang si EMO, emotional. Sa tagalog imotero, emote ng emote.. Buti pa yung remote pwedeng makontrol but ‘yung emotions ko ngayon.. sa tanang ng buhay ko, sa 23 years kong inilagi sa mundo at continuously pa (di pa ako mamatay, dami ko pang goals na like ma-achieve!!, kaw ah nagpra pray ah,..kilala kita!!), ngayon ko lang ding natuklasan yung hidden secret nito.

Natuklasan ko ito ng muli akong makaramdam ng kakaibang paghanga sa isang tao. Paghanga na nararamdaman ng isang tao sa isang tao ( gulo noh! )

Na kung saan very deeply yung feelings na nararamdaman mo sa tao na iyong hinahangaan,,,..gets? kung nagets nyo ko.. same tayo ng pinagdadaan ngayon, siguro nagkaiba nga lang tayo sa taste at preferences ng tao, antas sa buhay, gender, civil status, at isama na natin kung international o local..hehe.. level up ba pero kapag hindi naman, please lang.! wala kang magagawa kundi basahin na lang ito! klarets!!



But seriously, ang tinutukoy ko na nagpalabas ng totoong emosyon ko ay ang salitang PAG-IBIG!! Oo, yun nga!! yan nararamdaman mo ay nararamdaman ko din. Naramdaman ng sino mang inlove, kahit nga mga bata na may edad 5 years old ay may pag-ibig na din.. kataba bata, paglalandi na ang atupag, tapos tutuksuhin pa ng mga kani- kanilang mga magulang na animo ay tuwang tuwa na ang kanilang anak ay inlababo na,.. tapos ilang sandali lang, iba na pala ang gusto, at yun ay maglaro ng maglaro at kumain..pano kase, inaway ng batang iniibig niya..hehehe..



PAG-IBIG!! .. ito ang nadarama ng mag-sing irog at mag-asawa.At para sa iba naman, ito ang susi upang maging matibay, matatag at tumagal ang pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan ng tunay. Magandang regalo ng Diyos ang pag-ibig sa ating mga tao, bukod sa buhay na ibinigay Niya sa’tin,.. pero sa pinagdadaan ko ngayon, kilos at reaksyon ko, hindi ko maapreciate ang salitang yan.. sorry sa mga naoffend ko about this.. but yun talaga ang ang nararamdaman ko nang mapasailalim ako ng kapangyarihan ng pag – ibig..



Ito serious nah.. pag dating sa pag ibig, bahag ang buntot ko.. lahat na ng napagdaanan kong trahedya, delubyo at aksidente ay nalagpasan ko ng nakangiti at angat ang ulo, taas ang kilay kasama ang kanang kamay at aawit ng “ AMA NAMIN..” pero kapag pag ibig na ang pinag usapan, lagi akong lumpo at hindi makatayo.. para bang ang buo kong katawan ay nakabaon sa ilalim ng lupa… lagi akong talo mga na-encounter ko sa mga past relationship ko. Lahat ng dumaan sa buhay ko puro lungkot at sakit ang hinatid sa aking buhay. Yung bang dumaan lang sila upang pasakitan ka at pasayahin ang kanilang sarili kahit alam nilang sa part mo ay nasasaktan ka.. nadedepress talaga ako kapag naalala ko ang mga araw na iyon..,$#^&!!



Pero sa di inaasahan sandali, kahit takot at ilag,. Ayun sinubukan ko uling magmahal. Na baka sa oras na ito ay may seseryoso na sa isang tulad ko.. iniisip ko nga, anu bang nagawa kong pagkakamali o kasalanan kung bakit ako nasasaktan na ganito.. kapit ako sa salitang “ FAITHFULL”. Pero yung tao atang pinaglaanan ko ng ganon ay di ata nakaka-apreciate ng pagmamahal ko o kaya naman manhid lang talaga sila..



Nagmahal ako ng isang tao nang palihim. I did not expect din na mangyari, basta kusang na lang nadevelop ako sa kanya. At hindi naglaon, nakuha niya ang sympathy ng puso ko. Pano ka ba naman hindi maiinlove sa kanya. The way kung pano ka nya kausapin, very sweet at frank., the way kung pano sya gumalaw, kahit minsan makulet at pasaway, ay tanggap ko at para sa akin, alam kong no body’s perpect.. Masarap kasama at kabonding.. yung bang kasama mo sa kalokohan at lungkot.. lagi kang kinukulit sa txt at ang pikana nagustuhan ko sa kanya ay yung pagiging totoo nya, very casual lang sya.. kung ikaw kaya ako, sure kong maiilove ka din.. but the fact is, she didn’t know that I have a feeling for her… I’m scared to tell her na baka iwasan nya ako tulad ng mga napapanood ko sa mga teleserye sa t.v., movies sa dvd, cd, o kahit sa mp4 at mp5 kaya di na nya ako kibuin na maging dahilan ng pagkakalayo naming, ayoko nga!!..



At base sa mga nakita ko at nakwento sakin ng mga friends ko about sa lovelife niya, masyado daw syang mapusok, mabilis, at walang preno na madalas na nagiging sanhi ng kanyang pagkalungkot na akin namang nakita.. at ayaw niya ng pinupwersa sya sa isang sitwasyon na alam niyang siya ang dehado..



Habang tumatagal, mas lalong tumitindi ang paghanga ko sa kanya. Nung una, dinedma ko lang talaga ang nararamdaman ko about sa kanya but ng mas makilala ko pa sya ng lubusan, doon nagtuluy tuloy ang paghanga na naudlot at mas lumalim pa ng mga sumunod na araw.. tuwang tuwa ako kapag nakikita ko sya at kinakausap ako, feeling ko tuloy, kami na at holding hands nalang ang kulang..



Hindi nagtagal at naging magclose friends kami and one time nang magkaroon sya ng problems about his boyfriend, I gave my 100% support to ease the pain that she facing at that time kahit alam kong iba ang makakagawa non,pero I tried pa din.. What are friends for? Alam mo bang yung feelings na nalulungkot ung mahal mo, and then ikukuwento nya yung problems nya sayo about sa pag ibig nya, kahit ikaw masasaktan. But I tried to hide it.. suporta ang pinangingibabaw ko at sympathy as a close friend..ayoko syang nakikitang malungkot ng ganon, at yun yung unang beses na makita ko syang tuliro at wala sa sarili.. kung iiyak sya, iiyak din ako, kung tatawa sya, tatawa din ako, gusto ko kung ano yung nararamdaman nya, nararamdaman ko din.. sana pwede..pero napaka imposible ulet..



Kaya ng mak
a move on sya, tuwang tuwa ako kase alam ko na nakalagpas na sya sa lungkot na dinanas nya sa pag ibig, pero sa side ko patuloy pa din na umaasa na mapagbigyan na atensyon ang isa tulad ko na mahalin ng isang tulad niya.. kaya heto ako ngayon nagdurusa at nagtatago pa din sa ilalim ng kumot, hawak hawak ang isang malambot na unan na kapapalit palang ng punda, yakap yakap ng mahigpit na kala mo ay aagawin sayo… kaya minsan I just hide myself in a mask para maitago ang totoong feelings ko sa kanya.. pero pag ako na lang mag isa, duon ko binubuhos ang lahat ng lungkot ko at sa ganoong paraan man lang ay mailabas ko ang mga sakit na nararamdaman ko.. at duon ko din napagtanto na sa lahat ng minahal ko at inibig,

“SYA LANG ANG NAKAPAGPALABAS NG TOTOONG EMOSYON KO!!”



Gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader para makita ko ang solusyon sa mga nangyayari sa akin ngayon… ang sarap magwala at humagulgol pero pag ginawa ko naman iyon, sino ang kawawa? Ako din diba…!!



Kaya etoh ako continuously na umibig sa kanya kahit na alam kong very complicate yung sitwasyon..kung anu man sitwasyon yon, wag mo nang alamin,,.. tama na na nabasa mo ang kalahati na nararamdaman ko sa
puso ko..



Sabi sakin ni joy, life must go on, kaya etoh tuloy pa din ang buhay kahit na medyo tagilid sa larangang iyon..



Kahit na sinasabi ng isip ko na wala ng pag asa, iba ang ibinibulong ng puso ko,.. Kung pwede nga lang silang mag jack en poy, siguro nagawa ko na. Pero napaka imposible iyon!..



Naku! Alas dos na pala ng madaling araw,.




Basta’t sa dalawa,.. kung may kakampihan ako.. dun ako sa ISIP ko… kung bakit alam nyo na yung sagot…


.. END..

Tuesday, July 13, 2010

BATANG UHUGIN: Taas noo sa kinabukasan.


Muli kong binuksan 'yung site na ginawa ko 11 months ng naiere sa mundo ng cyberspace,. halos muntik na akong mapaiyak dahil, ang daming memorabilya sa site na ito na halos matagal tagal ko na din hindi nabubuksan,. kea heto ulit ibinabalik ko na naman sya sa lahat..

MULING SISIBOL ang mga BATANG UHUGIN!



--



Last night bago ako matulog ay bigla nalang nag pop-up sa akin alaala ang sinabi ni kuya Arnold na bakit hindi ko gawan ng “vision and mission” ang batang uhugin na ginawa ko mga anim na buwan na rin ang nagdaan. Ang sabi ko nga pala sa kanya that time maghintay hintay lang siya at darating ding yung time iyon….
At ang time na iyon ay ngayon.

Eto 'yung mga tanong na nag-exist sa isipan ko (at siguradong itatanong sa'kin ng makakabasa nito):


- Ano ba ang purpose nito sa mga batang?
-Marami kase ang nagsasabi na bakit batang uhugin ang pangalan ng social network na ito?
-Sino sino ba itong mga batang uhugin na ito.. ito ba iyon mga may uhog lang o wala?

Lahat yan ay masasagot sa susunod ninyong mababasa.. at para na din malinawan iyon iba tungkol dito..


Eto na poh..

ANO NGA BA ANG BATANG UHUGIN?



May dalawang salita ang nakapaloob sa salitang “batang uhugin”
Ito ay ang “BATA at UHOG” na ang ibig sabihin ay:


Gumawa ako ng diagram para mas lalo n’yo pang maintindihan kung ano ang nakapaloob sa mga salitang ito.

VISION:


Mga kabataan na kahit sa hirap ng buhay ay patuloy parin ang paglaban upang maiahon ang kanyang pamilya.
Tulungan ang mga kabataan na harapin ang kanilang mga pagsubok sa buhay. Gabayan na maiwasto ang mga pagkakamali at tahakin ang tamang landas upang makamit nila ang pinakamimithing tagumpay.


MISSION:


Sa tulong ng Young Focus Staff at nang Wings of Support na matamo ng mga kabataan ang kanilang minmithi sa pamamagitang ng pagtulong na makapag-aral ng libre at makapagtapos ng sa gayon ay makatulong sila hindi lang sa kanilang pamilya kundi pati na rin sa mga kabataang susunod pa sa kanila.

BAKIT "BATANG UHUGIN" ANG NAPILI MONG PANGALAN?



Inihahalintulad ko ang salitang uhog sa mga problema na dumadating sa atin sa araw araw, pader na nakaharang sa tatahakin nating landas upang makamit natin ang ating minimithi sa buhay. Lahat naman tayo ay dumaranas ng problema. Problema na kung saan ay kaakibat na natin ng tayo’y isinilang dito sa mundong ibabaw. Problem din ang nagiging dahilan kung bakit tayo tumatatag o kung minsan kung bakit tayo nadadapa, at dahil sa problemang iyon, doon tayo natututo. Parang uhog, masagwa mang isipin pero totoo. Uhog na nakaugat na sa atin habang sinasariwa ang mundo na puno ng pagsubok. Na kahit kung titignan natin ay malaki ang magiging bahagi sa paghubog ng ating pagkatao. Uhog na sapag singhot mo mararamdam pagsikip ng iyong hininga na kung hindi mo aagapan ay mauuwi sa inpeksyon na maari mong ikamatay… kaya hangga’t maaga pa, kabataan kumilos na at habang may magagawa ka pa.. mahirap magsisi sa bandang huli..

Ikaw din ang aani nyan, hindi kami..!!!


SINO - SINO ANG MGA BATANG ITO?



Ako, ikaw ,siya ,sila, bata man o matanda basta’t dumanas sa ganitong pagkakataon o maaaring ikaw na nagbabasa nito ay maaring maging kabahagi nito at kasama na ang mga kabataan sa susunod na henerasyon.


MENSAHE SA MGA BATANG UHUGIN.



Kung sa tingin mo medyo nahihirapan ka sa problemang pinapasan mo h’wag kang mahiyang humingi ng tulong sa pamilya mo, kaibigan, sa staff ng Y-FED upang mapayuhan ka kung anong ano ang iyong gagawin at lagi lang pakakatandaan na sa lahat ng gagawin,huwag kalimutan na magpasalamat sa nasa taas.


At kahit gaano man kahirap ang buhay, huwag panghinaan ng loob, isipin mo lang na pagsubok lang ito. Ika nga ni Dr. Jose Rizal “Tayo ang pag-asa ng bayan”.

“H‘wag mong isipin na nag-iisa ka. Andito kami upang umalalay sa’yo. Kasama mo kami sa pagtupad ng iyong pangarap!”