damdamin ko ngaun (PATULA)

+- MESSAGE TO MY CRUSH -+-

You're my crush,my secret crush
whenever you near me,
I begun to blush
Everytime you pass by,
I become shy...
And almost every minute of hour
And every hour of day and night
I think of you, when i can see you
I feel blue.
My heart's really want you...
My heart's really need you...
But,how could you love me,
If you don't even mind
What i feel for you.
Ohh, you'll never be mine!
Ohh, now i'm going crazy!
So cute woman,
GET OUT OF MY MIND!!!


Friday, July 23, 2010

.. Panibagong SIMULA ...


Hindi mahirap magsulat ng bagong istorya. Basta inspired ka at alam mo yung mga detalye ng isusulat mo, walang magiging problema. The only negative thing is that you'll still be criticized with your previous writings. Mahirap makalimutan ang mga yun lalu na kung may mga naisulat kang hindi maganda. Same goes with life and relationships. Mahirap makalimutan ang mga nagawa mong mali at pilitin mu mang baguhin ang buhay mo, you still have to suffer the consequences of your actions. Ika nga, kunwari'y nakapatay ka, kahit magconfess ka at mapatawad ng Ama sa mga kasalanan mo, hinding- hindi pa rin maibabalik ang buhay na inutang mo. Kailangan mo pa ring pagbayaran ang kasalanan sa batas ng tao. Minsan, naiisip kong sana'y hindi na lang nangyari yung mga kalokohang nagawa ko. Ang pagiging mapusok, pakikipaglandian at pakikipaglokohan sa mga maling tao. Kaya lang, no regrets dapat, di ba? Marami-rami rin namang learnings sa mga nangyari. Kinailangan pa rin silang daanan para makatuntong sa kinatatayuan ngayon. Hindi ka makakarating sa isang milyon kung hindi ka dadaan sa labingtatlong libo, walong daan at siyamnapu't anim.

Kaya ano ang natutunan ko these past days?

Marami.

Ang pagkakaroon ng mga maling tao sa buhay mo ay isa sa mga preparations sa pagdating ng tamang tao. Kailangan mong maranasan ang mga maling bagay upang hindi mo na ito ulitin kapag nandiyan na si destiny. Pagdaanan mo muna dapat ang mga tasks at challenges na ibibigay sayo bago ka tanghaling big winner at maging tunay na sikat.

Kumbaga sa mga sundalo, kailngan muna ng masidhing training. Kagaya ng mga napapanood nating war movies, minsan, sa training camp pa lang ay may mga bumibigay na. Marami na ang nasusugatan. Merong mangilan-ngilan na namamatay na. Mind you, wala pa yan sa tunay na gyera. Hindi pa yan ang totoong war.

Marami na ang naggi-give-up, samantalang hindi pa ito ang pinapangarap na laban.

May mga ilan din na hindi talaga bagay maging sundalo. Nung nagsabog ng kaartehan sa mundo, sinalo nilang lahat, kaya hinding-hindi mo sila kailanman maaaring i-deploy para lumaban. Maling propesyon, maling damdamin, maling pag-iisip. Ito yung mga hindi umaangat ng pagka-private ang ranggo pagdating sa relasyon. Sila karaniwan yung lumalabas ng kampo para mamuhay na lang ng normal at kalimutan na lang ang masalimuot na baduy na larangan ng pagmamahal.

Pero paano ka nga naman sasabak sa tunay na gyera kung sa training camp pa lang eh sugatan ka na? Paano ka bibitbit ng rifle kung ni ang pagtayo ay hindi mo magawa sa dami ng iyong mga sugat? Hindi ka rin mabibigyan ng clearance lumaban sa war. Baka hanggang ROTC commandant na lang ang ibigay sayong task ng mga nakatataas.

Buti na lang at mayroong mga tinatawag na medics. Sila yung mga marunong gumamot ng sugat. Sila yung nagpapagaling sa atin. Nagpapahilom sa mga malalalim na saksak na nakuha natin habang nagsasanay tayo sa kampo. Kadalasan, sila yung gumagabay sa atin para gumaling. Little angels ba.

Ngayong handa na sa totoong war, pwede mo nang gamitin lahat ng natutunan mo sa camp. Kalimutan mo na ang mga maliliit na sugat na dulot ng mga tangang sparring partner. Time na para tunay na bakbakan.

Ito na yung moment of truth.

Kahit ilang ulit mo nang sinabi in the past, alam mong first time mo lang sasabihin ulit sa sarili mo na marahil ay siya na. Tama, siya na nga. Huwag mung pakinggan ang mga taong bumubulong sa paligid ng, "sus, narinig ko na yan".

Minsan, kailangan mong makaramdam ng mas malalim na pagbaon ng bala, para makalimutan mo ang lahat ng mabababaw na saksak sa iyong katawan. Pero iisa lang ang mas mahalaga. Habang nasasaktan ka, habang alam mong adik ka sa drama, alam mong buhay ka.

Alam mong lumalaban ka.

"This time, mas maingat ka nang maglakad para hindi makatapak ng land mines. Mas matalas na ang mga mata para hindi makabaril ng kapareha. Mas masaya kang lalaban dahil alam mong kahit saan ka magpunta, eh nandyan ang munting anghel na hindi ka iiwan, tatanggapin ka at kailanma'y hindi magiging kagaya ng mga nauna...."


ikaw, Oo ikaw, magbago ka HANGGAT hindi pa HULI ang LAHAT, TROPA ! ...