![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhDmRIVnaUW-7iLuaTqA6XQK398F24ATL_8845tmUfWXqLeqDdMiZP_GxkC8Lz7FnFWVzV-qkJwWJUfcQqdMAtVghHh0NcfSoVjbKyMe4ZAAFGVn9FSRnPtCcH-aYwmciNJOMQdBvN0no7T/s200/hujgk.jpg)
Sa loob ng 14 hanggang 15 taong pagsusunog ny kilay, sa wakas ay aanihin rin natin ang bunga ng ating pagsisikap at pagtitiyaga.
Sa puntong ito rin matatapos ang obligasyon ng ating mga magulang at magsisimula naman ang ating mabigat na responsibilidad sa pagagnap ng tungkuling tumulong sa ating pamilya.Ika nga, kailangan nating magbayad sa ating mga pinagkakautangan ng loob.
Ang araw ng pagtatapos ay masasabi nating pinakamahalagang araw para sa ating mga estudyante at syempre pa sa ating mga magulang. Ito rin ang araw kung saan papasukin natin ang bagong yugto ng ating buhay.
Hindi lamang ang ating mga magulang ang matutuwa sa ating pagtatapos sa kursong ating pinaglaanan ng panahon, talino at lakas kundi maging ang ating mga guro na walng pagod sa pagtuturo at pagbabahagi ng kanilang mga kaalaman at kasanayan para lamang hubugin tayo para maging isang propesyunal sa hinaharap.
Marapat lamang na pasalamatan natin ang mga taong tumulong sa ating paglago at pag-unlad habang tayo ay nasa unibersidad - ang ating mga magulang at ang ating mga guro, na kung hindi dahil sda kanilang walang sawang pagsubaybay at pagtulong ay baka hindi na tayo nakapagtapos ng pag-aaral at hindi na makakamtan ang ating mga pangarap sa buahy.
Hindi biro ang mahabang panahon na ating inilaan para sa pag-aaral kung kaya't mabuting gamitin natin ng wasto ang ating mganatutunan at nang sa gayun ay makatulong tayo sa pag-unlad ng ating pamayanan.
Subali't ang malaking taong at hamon ngayon sa atin, ay pagkatapos ng graduation, ano na?
Ano na nga ba ang mangyayari sa ating buhay pagkatapos ng ating pag-aaral? Makapaghahanap ba kaagad tayo ng trabaho na may kinalaman sa kursong ating pinaglaanan ng panahon? O kung nakatambay pa rin hanggang ngayon?
Nasa ating mga kamay ang kasagutan at pagtupad sa ating mga pangarap kung kaya't marapat lamang na ipagpatuloy natin ang ating pagsisikap at hindi dito dapat matapos para maabot natin ang ating mga minimithing pangarap.
2 comments:
hahaha. galing ah! ganda nung sinulat mo dito. ganda din ng mga songs! ba't naman batang uhugin? hehe
.. bakit sa dinami dami ng pangalan, bakit batang uhugin?
click mo toh mona to enlightened your mind, eto ang sasagot nyan:
http://batanguhugin.blogspot.com/2010/07/batang-uhugin-taas-noo-sa-kinabukasan.html
• TANDAAN:
- lahat ng bagay sa mundo, nakikita man o hindi, ay may pinagmulan, LAHAT, may dahilan kung bakit S’ya nag EXIST, at sana nasagot ng link na ito ang agam agam dyan sa isipan mo.
Post a Comment